Jeremias 13

Makinig kayong mabuti, at huwag kayong magmataas sapagkat nagsalita na ang Panginoon.

Jeremiah 13:15 (UKJV) Hear all of you, and give ear; be not proud: for the LORD has spoken.

13Sabihin mo sa kanila na ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Parurusahan ko ang lahat ng mamamayan ng lupaing ito, na parang nilasing ko sila ng alak. Parurusahan ko ang mga hari na angkan ni David, ang mga pari, mga propeta, at ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem.

14Pag-uumpugin ko ang mga magulang at ang mga anak nila. Hindi ako mahahabag sa pagpatay sa kanila. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

15Makinig kayong mabuti, at huwag kayong magmataas sapagkat nagsalita na ang Panginoon.

16Parangalan ninyo ang Panginoon na inyong Diyos habang hindi pa niya ipinapadala ang kadiliman, at habang hindi pa kayo nadadapa sa dumidilim na mga bundok. Ang liwanag na inyong inaasahan ay gagawin niyang napakatinding kadiliman.

17Kung ayaw pa rin ninyong makinig, iiyak ako nang lihim dahil sa inyong pagmamataas. Iiyak ako nang malakas at aapaw ang aking mga luha dahil bibihagin ang kawan ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.