Jeremias 13

Kung ayaw pa rin ninyong makinig, iiyak ako nang lihim dahil sa inyong pagmamataas. Iiyak ako nang malakas at aapaw ang aking mga luha dahil bibihagin ang kawan ng Panginoon.

Jeremiah 13:17 (UKJV) But if all of you will not hear it, my soul shall weep in secret places for your pride; and mine eye shall weep sore, and run down with tears, because the LORD's flock is carried away captive.

15Makinig kayong mabuti, at huwag kayong magmataas sapagkat nagsalita na ang Panginoon.

16Parangalan ninyo ang Panginoon na inyong Diyos habang hindi pa niya ipinapadala ang kadiliman, at habang hindi pa kayo nadadapa sa dumidilim na mga bundok. Ang liwanag na inyong inaasahan ay gagawin niyang napakatinding kadiliman.

17Kung ayaw pa rin ninyong makinig, iiyak ako nang lihim dahil sa inyong pagmamataas. Iiyak ako nang malakas at aapaw ang aking mga luha dahil bibihagin ang kawan ng Panginoon.

18Sabihin mo sa hari at sa kanyang inang reyna, “Bumaba kayo sa inyong trono sapagkat malapit nang kunin sa inyong ulo ang magaganda ninyong korona.”

19Isasara ang mga pintuan ng mga bayan sa Negeb. Wala nang makakapasok o makakalabas doon. Ang mga tao sa Juda ay magiging mga bihag. Lahat sila ay ipapatapon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.