Jeremias 13

Sabihin mo sa hari at sa kanyang inang reyna, “Bumaba kayo sa inyong trono sapagkat malapit nang kunin sa inyong ulo ang magaganda ninyong korona.”

Jeremiah 13:18 (UKJV) Say unto the king and to the queen, Humble yourselves, sit down: for your principalities shall come down, even the crown of your glory.

16Parangalan ninyo ang Panginoon na inyong Diyos habang hindi pa niya ipinapadala ang kadiliman, at habang hindi pa kayo nadadapa sa dumidilim na mga bundok. Ang liwanag na inyong inaasahan ay gagawin niyang napakatinding kadiliman.

17Kung ayaw pa rin ninyong makinig, iiyak ako nang lihim dahil sa inyong pagmamataas. Iiyak ako nang malakas at aapaw ang aking mga luha dahil bibihagin ang kawan ng Panginoon.

18Sabihin mo sa hari at sa kanyang inang reyna, “Bumaba kayo sa inyong trono sapagkat malapit nang kunin sa inyong ulo ang magaganda ninyong korona.”

19Isasara ang mga pintuan ng mga bayan sa Negeb. Wala nang makakapasok o makakalabas doon. Ang mga tao sa Juda ay magiging mga bihag. Lahat sila ay ipapatapon.

20Tingnan ninyo ang mga kaaway na dumarating mula sa hilaga. Nasaan na ang kawang iyong ipinagmamalaki, na ipinagkatiwala ko sa iyo upang iyong alagaan?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.