Jeremias 13

Tingnan ninyo ang mga kaaway na dumarating mula sa hilaga. Nasaan na ang kawang iyong ipinagmamalaki, na ipinagkatiwala ko sa iyo upang iyong alagaan?

Jeremiah 13:20 (UKJV) Lift up your eyes, and behold them that come from the north: where is the flock that was given you, your beautiful flock?

18Sabihin mo sa hari at sa kanyang inang reyna, “Bumaba kayo sa inyong trono sapagkat malapit nang kunin sa inyong ulo ang magaganda ninyong korona.”

19Isasara ang mga pintuan ng mga bayan sa Negeb. Wala nang makakapasok o makakalabas doon. Ang mga tao sa Juda ay magiging mga bihag. Lahat sila ay ipapatapon.

20Tingnan ninyo ang mga kaaway na dumarating mula sa hilaga. Nasaan na ang kawang iyong ipinagmamalaki, na ipinagkatiwala ko sa iyo upang iyong alagaan?

21Ano ang mararamdaman mo kung ang kakampi mong bansa ang sumakop sa iyo? Hindi baʼt magdaramdam ka tulad ng isang babaeng manganganak na?

22Kung tatanungin mo ang iyong sarili, “Bakit ito nangyari sa akin?” Itoʼy dahil sa napakarami mong kasalanan kaya ikaʼy napahamak na parang babaeng pinunit ang damit at pinagsamantalahan,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.