19Isasara ang mga pintuan ng mga bayan sa Negeb. Wala nang makakapasok o makakalabas doon. Ang mga tao sa Juda ay magiging mga bihag. Lahat sila ay ipapatapon.
20Tingnan ninyo ang mga kaaway na dumarating mula sa hilaga. Nasaan na ang kawang iyong ipinagmamalaki, na ipinagkatiwala ko sa iyo upang iyong alagaan?
21Ano ang mararamdaman mo kung ang kakampi mong bansa ang sumakop sa iyo? Hindi baʼt magdaramdam ka tulad ng isang babaeng manganganak na?
22Kung tatanungin mo ang iyong sarili, “Bakit ito nangyari sa akin?” Itoʼy dahil sa napakarami mong kasalanan kaya ikaʼy napahamak na parang babaeng pinunit ang damit at pinagsamantalahan,
23Mapapalitan ba ng taga-Etiopia ang kulay ng kanyang balat? Maaalis ba ng leopardo ang mga batik sa kanyang katawan? Hindi! Ganyan din kayong mga taga-Jerusalem, hindi kayo makakagawa ng mabuti dahil ugali na ninyo ang gumawa ng masama.