Jeremias 13

Isasara ang mga pintuan ng mga bayan sa Negeb. Wala nang makakapasok o makakalabas doon. Ang mga tao sa Juda ay magiging mga bihag. Lahat sila ay ipapatapon.

Jeremiah 13:19 (UKJV) The cities of the south shall be shut up, and none shall open them: Judah shall be carried away captive all of it, it shall be wholly carried away captive.

17Kung ayaw pa rin ninyong makinig, iiyak ako nang lihim dahil sa inyong pagmamataas. Iiyak ako nang malakas at aapaw ang aking mga luha dahil bibihagin ang kawan ng Panginoon.

18Sabihin mo sa hari at sa kanyang inang reyna, “Bumaba kayo sa inyong trono sapagkat malapit nang kunin sa inyong ulo ang magaganda ninyong korona.”

19Isasara ang mga pintuan ng mga bayan sa Negeb. Wala nang makakapasok o makakalabas doon. Ang mga tao sa Juda ay magiging mga bihag. Lahat sila ay ipapatapon.

20Tingnan ninyo ang mga kaaway na dumarating mula sa hilaga. Nasaan na ang kawang iyong ipinagmamalaki, na ipinagkatiwala ko sa iyo upang iyong alagaan?

21Ano ang mararamdaman mo kung ang kakampi mong bansa ang sumakop sa iyo? Hindi baʼt magdaramdam ka tulad ng isang babaeng manganganak na?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.