Jeremias 13

Kung tatanungin mo ang iyong sarili, “Bakit ito nangyari sa akin?” Itoʼy dahil sa napakarami mong kasalanan kaya ikaʼy napahamak na parang babaeng pinunit ang damit at pinagsamantalahan,

Jeremiah 13:22 (UKJV) And if you say in yours heart, Wherefore come these things upon me? For the greatness of yours iniquity are your skirts discovered, and your heels made bare.

20Tingnan ninyo ang mga kaaway na dumarating mula sa hilaga. Nasaan na ang kawang iyong ipinagmamalaki, na ipinagkatiwala ko sa iyo upang iyong alagaan?

21Ano ang mararamdaman mo kung ang kakampi mong bansa ang sumakop sa iyo? Hindi baʼt magdaramdam ka tulad ng isang babaeng manganganak na?

22Kung tatanungin mo ang iyong sarili, “Bakit ito nangyari sa akin?” Itoʼy dahil sa napakarami mong kasalanan kaya ikaʼy napahamak na parang babaeng pinunit ang damit at pinagsamantalahan,

23Mapapalitan ba ng taga-Etiopia ang kulay ng kanyang balat? Maaalis ba ng leopardo ang mga batik sa kanyang katawan? Hindi! Ganyan din kayong mga taga-Jerusalem, hindi kayo makakagawa ng mabuti dahil ugali na ninyo ang gumawa ng masama.

24Sinabi ng Panginoon, “Ikakalat ko kayo katulad ng ipa na inililipad ng hanging mula sa disyerto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.