22Kung tatanungin mo ang iyong sarili, “Bakit ito nangyari sa akin?” Itoʼy dahil sa napakarami mong kasalanan kaya ikaʼy napahamak na parang babaeng pinunit ang damit at pinagsamantalahan,
23Mapapalitan ba ng taga-Etiopia ang kulay ng kanyang balat? Maaalis ba ng leopardo ang mga batik sa kanyang katawan? Hindi! Ganyan din kayong mga taga-Jerusalem, hindi kayo makakagawa ng mabuti dahil ugali na ninyo ang gumawa ng masama.
24Sinabi ng Panginoon, “Ikakalat ko kayo katulad ng ipa na inililipad ng hanging mula sa disyerto.
25Iyan ang kahihinatnan ninyo,” sabi ng Panginoon. “Gagawin ko ito sa inyo sapagkat kinalimutan ninyo ako at nagtiwala kayo sa mga diyos-diyosan.
26Tatanggalin ko ang inyong mga saplot upang ilantad ang inyong kahihiyan.