24Sinabi ng Panginoon, “Ikakalat ko kayo katulad ng ipa na inililipad ng hanging mula sa disyerto.
25Iyan ang kahihinatnan ninyo,” sabi ng Panginoon. “Gagawin ko ito sa inyo sapagkat kinalimutan ninyo ako at nagtiwala kayo sa mga diyos-diyosan.
26Tatanggalin ko ang inyong mga saplot upang ilantad ang inyong kahihiyan.
27Nakita ko ang inyong pakikiapid, ang mga halinghing at mga kahalayang gawa ng babaeng bayaran. Nakita ko ang kasuklam-suklam ninyong pagsamba ng mga diyos-diyosan sa kaburulan at kabukiran. Kahabag-habag kayo, mga taga-Jerusalem! Hanggang kailan kayo mananatili sa karungisan?”