Jeremias 13

Iyan ang kahihinatnan ninyo,” sabi ng Panginoon. “Gagawin ko ito sa inyo sapagkat kinalimutan ninyo ako at nagtiwala kayo sa mga diyos-diyosan.

Jeremiah 13:25 (UKJV) This is your lot, the portion of your measures from me, says the LORD; because you have forgotten me, and trusted in falsehood.

23Mapapalitan ba ng taga-Etiopia ang kulay ng kanyang balat? Maaalis ba ng leopardo ang mga batik sa kanyang katawan? Hindi! Ganyan din kayong mga taga-Jerusalem, hindi kayo makakagawa ng mabuti dahil ugali na ninyo ang gumawa ng masama.

24Sinabi ng Panginoon, “Ikakalat ko kayo katulad ng ipa na inililipad ng hanging mula sa disyerto.

25Iyan ang kahihinatnan ninyo,” sabi ng Panginoon. “Gagawin ko ito sa inyo sapagkat kinalimutan ninyo ako at nagtiwala kayo sa mga diyos-diyosan.

26Tatanggalin ko ang inyong mga saplot upang ilantad ang inyong kahihiyan.

27Nakita ko ang inyong pakikiapid, ang mga halinghing at mga kahalayang gawa ng babaeng bayaran. Nakita ko ang kasuklam-suklam ninyong pagsamba ng mga diyos-diyosan sa kaburulan at kabukiran. Kahabag-habag kayo, mga taga-Jerusalem! Hanggang kailan kayo mananatili sa karungisan?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.