19O Panginoon, talaga bang itinakwil nʼyo na ang Juda? Talaga bang galit po kayo sa Jerusalem? Bakit nʼyo po kami pinarusahan ng ganito at parang wala na kaming pag-asang gumaling? Umasa po kaming bibigyan nʼyo kami ng kapayapaan, pero hindi naman ito dumating. Umasa kaming mabigyan ng kapayapaan, subalit hindi ito dumating. Umasa kaming mapagaling sa aming karamdaman, ngunit takot ang aming naramdaman.
20O Panginoon, kinikilala namin ang aming kasamaan, pati ang kasalanan ng aming mga ninuno. Nagkasala po kami sa inyo.
21Huwag po ninyo kaming itakwil, alang-alang sa karangalan ng inyong pangalan. Huwag po ninyong ilagay sa kahihiyan ang marangal ninyong trono. Alalahanin po ninyo ang kasunduan ninyo sa amin. Nawaʼy huwag ninyo itong sirain.
22Wala ni isa sa mga walang kuwentang diyos-diyosan ng mga bansa ang makapagpapaulan o makapagpapaambon. Kahit ang langit mismo ay hindi makapagpapaulan. Kayo lamang, Panginoon na aming Diyos ang tanging makakagawa nito, kaya sa inyo po kami nagtitiwala.