17“Jeremias, sabihin mo ito sa mga tao: Araw-gabi, walang tigil ang pag-iyak ko dahil malubha ang sugat ng mga mamamayan ko na aking itinuturing na birheng anak, at totoong nasasaktan ako.
18Kung pupunta ako sa mga bukid at lungsod, nakikita ko ang mga bangkay ng mga namatay sa digmaan at taggutom. Ang mga propeta at pari ay patuloy sa gawain nila ngunit hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila.”
19O Panginoon, talaga bang itinakwil nʼyo na ang Juda? Talaga bang galit po kayo sa Jerusalem? Bakit nʼyo po kami pinarusahan ng ganito at parang wala na kaming pag-asang gumaling? Umasa po kaming bibigyan nʼyo kami ng kapayapaan, pero hindi naman ito dumating. Umasa kaming mabigyan ng kapayapaan, subalit hindi ito dumating. Umasa kaming mapagaling sa aming karamdaman, ngunit takot ang aming naramdaman.
20O Panginoon, kinikilala namin ang aming kasamaan, pati ang kasalanan ng aming mga ninuno. Nagkasala po kami sa inyo.
21Huwag po ninyo kaming itakwil, alang-alang sa karangalan ng inyong pangalan. Huwag po ninyong ilagay sa kahihiyan ang marangal ninyong trono. Alalahanin po ninyo ang kasunduan ninyo sa amin. Nawaʼy huwag ninyo itong sirain.