18Bakit hindi po natatapos ang aking paghihirap? Bakit hindi na gumagaling ang aking mga sugat? Hindi na po ba magagamot ang mga ito? Bibiguin po ba ninyo ako na parang sapa na natutuyo kapag tag-araw?”
19Kaya sinabi ng Panginoon, “Kung ikaʼy magsisisi, pababalikin kita sa aking piling upang patuloy kang makapaglingkod sa akin. Kung magsasalita ka ng mga makabuluhang bagay at iiwasan ang mga bagay na walang kabuluhan, muli kitang gagawing aking tagapagsalita. Kinakailangang sila ang lumapit sa iyo at hindi ikaw ang lalapit sa kanila.
20Gagawin kitang parang matibay na tansong pader para sa mga taong ito. Kakalabanin ka nila ngunit hindi ka nila magagapi, sapagkat kasama mo ako. Iingatan kita at ililigtas,” wika ng Panginoon.
21“Ililigtas kita sa kamay ng masasama at sasagipin kita mula sa mararahas na tao.”