2Kung magtatanong sila kung saan sila pupunta, sabihin mo na ito ang sinabi ng Panginoon: ‘Ang mga nakatakdang mamatay ay mamamatay. Ang ibaʼy itinakdang mamatay sa digmaan at ang ibaʼy sa taggutom. Ang iba namaʼy itinakdang bihagin.’
3“Ipapadala ko sa kanila ang apat na uri ng parusa,” sabi ng Panginoon. “Mamamatay sila sa digmaan, kakaladkarin ng mga aso ang mga bangkay nila, tutukain sila ng mga ibon at ang natitira sa mga bangkay nilaʼy uubusin ng mababangis na hayop.
4Kamumuhian sila ng lahat ng bansa sa mundo dahil sa ginawa ni Manases na anak ni Ezequias sa Jerusalem noong hari pa siya ng Juda.
5O mga taga-Jerusalem, sino kaya ang mahahabag sa inyo? Sino kaya ang magluluksa para sa inyo? At sino kaya ang magtatanong tungkol sa inyong kalagayan?
6Itinakwil ninyo ako; palagi ninyo akong tinatalikuran. Kaya ako, ang Panginoon, ay nagsasabing iuunat ko ang aking mga kamay upang kayo ay lipulin. Sawa na akong kahabagan kayo.