18Kaya pagbabayarin ko sila nang doble sa kasamaan at kasalanan nila dahil dinungisan nila ang lupain ko sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam at patay nilang mga diyos-diyosan.”
19Panginoon, kayo ang lakas at tanggulan ko, ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan. Ang mga bansa sa buong mundo ay lalapit sa iyo at sasabihing, “Ang aming mga ninunoʼy nagpamana ng mga kasinungalingan, mga walang kuwentang diyos-diyosan.
20Ang tao baʼy makakagawa ng kanyang diyos? Kung makakagawa siya, hindi iyon totoong Diyos!”
21Sinabi ng Panginoon, “Kaya ngayon, ipapakita ko sa kanila ang aking kapangyarihan at kakayahan upang malaman nila na ako nga ang Panginoon.”