Jeremias 16

Panginoon, kayo ang lakas at tanggulan ko, ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan. Ang mga bansa sa buong mundo ay lalapit sa iyo at sasabihing, “Ang aming mga ninunoʼy nagpamana ng mga kasinungalingan, mga walang kuwentang diyos-diyosan.

Jeremiah 16:19 (UKJV) O LORD, my strength, and my fortress, and my refuge in the day of affliction, the Gentiles shall come unto you from the ends of the earth, and shall say, Surely our fathers have inherited lies, vanity, and things wherein there is no profit.

17Nakita ko ang lahat ng pag-uugali nila. Wala kahit anuman na naitatago sa akin. Nakita ko rin ang mga kasalanan nila.

18Kaya pagbabayarin ko sila nang doble sa kasamaan at kasalanan nila dahil dinungisan nila ang lupain ko sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam at patay nilang mga diyos-diyosan.”

19Panginoon, kayo ang lakas at tanggulan ko, ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan. Ang mga bansa sa buong mundo ay lalapit sa iyo at sasabihing, “Ang aming mga ninunoʼy nagpamana ng mga kasinungalingan, mga walang kuwentang diyos-diyosan.

20Ang tao baʼy makakagawa ng kanyang diyos? Kung makakagawa siya, hindi iyon totoong Diyos!”

21Sinabi ng Panginoon, “Kaya ngayon, ipapakita ko sa kanila ang aking kapangyarihan at kakayahan upang malaman nila na ako nga ang Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.