15Sa halip, sasabihin nila, ‘Sa pangalan ng buháy na Panginoon na nagpalaya sa mga taga-Israel sa bansang nasa hilaga at sa lahat ng bansa kung saan niya sila pinangalat.’ Sapagkat ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila.
16“Ngunit sa ngayon, padadalhan ko muna sila ng maraming kaaway na parang mga mangingisdang huhuli sa kanila,” sabi ng Panginoon, “At magsusugo rin ako ng mga mangangaso na tutugis sa kanila sa mga bundok, burol at mga kuweba.
17Nakita ko ang lahat ng pag-uugali nila. Wala kahit anuman na naitatago sa akin. Nakita ko rin ang mga kasalanan nila.
18Kaya pagbabayarin ko sila nang doble sa kasamaan at kasalanan nila dahil dinungisan nila ang lupain ko sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam at patay nilang mga diyos-diyosan.”
19Panginoon, kayo ang lakas at tanggulan ko, ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan. Ang mga bansa sa buong mundo ay lalapit sa iyo at sasabihing, “Ang aming mga ninunoʼy nagpamana ng mga kasinungalingan, mga walang kuwentang diyos-diyosan.