Jeremias 16

Sa halip, sasabihin nila, ‘Sa pangalan ng buháy na Panginoon na nagpalaya sa mga taga-Israel sa bansang nasa hilaga at sa lahat ng bansa kung saan niya sila pinangalat.’ Sapagkat ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila.

Jeremiah 16:15 (UKJV) But, The LORD lives, that brought up the children of Israel from the land of the north, and from all the lands where he had driven them: and I will bring them again into their land that I gave unto their fathers.

13Kaya palalayasin ko kayo sa lupaing ito patungo sa lupaing hindi nʼyo alam, ni ng mga ninuno ninyo. At doon, magpapakasawa kayo sa paglilingkod sa ibang diyos araw at gabi, at hindi ko na kayo kahahabagan.’

14“Darating ang araw na hindi na susumpa ang mga tao ng ganito, ‘Sa pangalan ng buháy na Panginoon na nagpalaya sa mga taga-Israel sa Ehipto!’

15Sa halip, sasabihin nila, ‘Sa pangalan ng buháy na Panginoon na nagpalaya sa mga taga-Israel sa bansang nasa hilaga at sa lahat ng bansa kung saan niya sila pinangalat.’ Sapagkat ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila.

16“Ngunit sa ngayon, padadalhan ko muna sila ng maraming kaaway na parang mga mangingisdang huhuli sa kanila,” sabi ng Panginoon, “At magsusugo rin ako ng mga mangangaso na tutugis sa kanila sa mga bundok, burol at mga kuweba.

17Nakita ko ang lahat ng pag-uugali nila. Wala kahit anuman na naitatago sa akin. Nakita ko rin ang mga kasalanan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.