12At mas higit pa kayong masama kaysa sa mga ninuno ninyo. Ang kasamaan at katigasan ng mga puso nʼyo ang sinunod ninyo, sa halip na ako ang sundin ninyo.
13Kaya palalayasin ko kayo sa lupaing ito patungo sa lupaing hindi nʼyo alam, ni ng mga ninuno ninyo. At doon, magpapakasawa kayo sa paglilingkod sa ibang diyos araw at gabi, at hindi ko na kayo kahahabagan.’
14“Darating ang araw na hindi na susumpa ang mga tao ng ganito, ‘Sa pangalan ng buháy na Panginoon na nagpalaya sa mga taga-Israel sa Ehipto!’
15Sa halip, sasabihin nila, ‘Sa pangalan ng buháy na Panginoon na nagpalaya sa mga taga-Israel sa bansang nasa hilaga at sa lahat ng bansa kung saan niya sila pinangalat.’ Sapagkat ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila.
16“Ngunit sa ngayon, padadalhan ko muna sila ng maraming kaaway na parang mga mangingisdang huhuli sa kanila,” sabi ng Panginoon, “At magsusugo rin ako ng mga mangangaso na tutugis sa kanila sa mga bundok, burol at mga kuweba.