10“Kapag sinabi mo sa mga tao ang mga bagay na ito at magtanong sila, ‘Ano ang nagawa naming kasalanan sa Panginoon naming Diyos? Bakit kami binigyan ng babala ng Panginoon na darating sa amin ang ganoong kapahamakan?’
11Sabihin mo sa kanilang ito ang sagot ng Panginoon: ‘Ginawa ko ito dahil itinakwil ako ng mga ninuno nila. Naglingkod at sumamba sila sa mga diyos-diyosan. Itinakwil nila ako at hindi nila sinunod ang kautusan ko.
12At mas higit pa kayong masama kaysa sa mga ninuno ninyo. Ang kasamaan at katigasan ng mga puso nʼyo ang sinunod ninyo, sa halip na ako ang sundin ninyo.
13Kaya palalayasin ko kayo sa lupaing ito patungo sa lupaing hindi nʼyo alam, ni ng mga ninuno ninyo. At doon, magpapakasawa kayo sa paglilingkod sa ibang diyos araw at gabi, at hindi ko na kayo kahahabagan.’
14“Darating ang araw na hindi na susumpa ang mga tao ng ganito, ‘Sa pangalan ng buháy na Panginoon na nagpalaya sa mga taga-Israel sa Ehipto!’