Jeremias 16

“Kapag sinabi mo sa mga tao ang mga bagay na ito at magtanong sila, ‘Ano ang nagawa naming kasalanan sa Panginoon naming Diyos? Bakit kami binigyan ng babala ng Panginoon na darating sa amin ang ganoong kapahamakan?’

Jeremiah 16:10 (UKJV) And it shall come to pass, when you shall show this people all these words, and they shall say unto you, Wherefore has the LORD pronounced all this great evil against us? or what is our iniquity? or what is our sin that we have committed against the LORD our God?

8“Huwag ka ring papasok sa mga tahanang may mga handaan upang kumain at uminom doon.

9Sapagkat ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagsasabi, ‘Makikita mo sa kapanahunan mo na patitigilin ko ang kasiyahan at kagalakan sa lugar na ito, pati ang kaligayahan ng mga bagong kasal.’

10“Kapag sinabi mo sa mga tao ang mga bagay na ito at magtanong sila, ‘Ano ang nagawa naming kasalanan sa Panginoon naming Diyos? Bakit kami binigyan ng babala ng Panginoon na darating sa amin ang ganoong kapahamakan?’

11Sabihin mo sa kanilang ito ang sagot ng Panginoon: ‘Ginawa ko ito dahil itinakwil ako ng mga ninuno nila. Naglingkod at sumamba sila sa mga diyos-diyosan. Itinakwil nila ako at hindi nila sinunod ang kautusan ko.

12At mas higit pa kayong masama kaysa sa mga ninuno ninyo. Ang kasamaan at katigasan ng mga puso nʼyo ang sinunod ninyo, sa halip na ako ang sundin ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.