7Walang magbibigay ng pagkain o inumin upang aliwin ang mga nagdadalamhati, kahit na ama o ina ang namatay.
8“Huwag ka ring papasok sa mga tahanang may mga handaan upang kumain at uminom doon.
9Sapagkat ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagsasabi, ‘Makikita mo sa kapanahunan mo na patitigilin ko ang kasiyahan at kagalakan sa lugar na ito, pati ang kaligayahan ng mga bagong kasal.’
10“Kapag sinabi mo sa mga tao ang mga bagay na ito at magtanong sila, ‘Ano ang nagawa naming kasalanan sa Panginoon naming Diyos? Bakit kami binigyan ng babala ng Panginoon na darating sa amin ang ganoong kapahamakan?’
11Sabihin mo sa kanilang ito ang sagot ng Panginoon: ‘Ginawa ko ito dahil itinakwil ako ng mga ninuno nila. Naglingkod at sumamba sila sa mga diyos-diyosan. Itinakwil nila ako at hindi nila sinunod ang kautusan ko.