5Sinabi pa ng Panginoon, “Huwag kang papasok sa mga bahay na may mga patay. Huwag kang makikidalamhati sa kanila o magpapakita ng pagkahabag sa kaninuman. Sapagkat inalis ko na ang pag-ibig at pagkahabag ko sa mga taong ito.
6Mamamatay sila sa lupaing ito, mayaman man o dukha, at walang maglilibing sa kanila. Walang taong susugat sa sarili nila o magpapakalbo upang ipahayag ang pagluluksa nila sa mga namatay.
7Walang magbibigay ng pagkain o inumin upang aliwin ang mga nagdadalamhati, kahit na ama o ina ang namatay.
8“Huwag ka ring papasok sa mga tahanang may mga handaan upang kumain at uminom doon.
9Sapagkat ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagsasabi, ‘Makikita mo sa kapanahunan mo na patitigilin ko ang kasiyahan at kagalakan sa lugar na ito, pati ang kaligayahan ng mga bagong kasal.’