Jeremias 16

Sabihin mo sa kanilang ito ang sagot ng Panginoon: ‘Ginawa ko ito dahil itinakwil ako ng mga ninuno nila. Naglingkod at sumamba sila sa mga diyos-diyosan. Itinakwil nila ako at hindi nila sinunod ang kautusan ko.

Jeremiah 16:11 (UKJV) Then shall you say unto them, Because your fathers have forsaken me, says the LORD, and have walked after other gods, and have served them, and have worshipped them, and have forsaken me, and have not kept my law;

9Sapagkat ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagsasabi, ‘Makikita mo sa kapanahunan mo na patitigilin ko ang kasiyahan at kagalakan sa lugar na ito, pati ang kaligayahan ng mga bagong kasal.’

10“Kapag sinabi mo sa mga tao ang mga bagay na ito at magtanong sila, ‘Ano ang nagawa naming kasalanan sa Panginoon naming Diyos? Bakit kami binigyan ng babala ng Panginoon na darating sa amin ang ganoong kapahamakan?’

11Sabihin mo sa kanilang ito ang sagot ng Panginoon: ‘Ginawa ko ito dahil itinakwil ako ng mga ninuno nila. Naglingkod at sumamba sila sa mga diyos-diyosan. Itinakwil nila ako at hindi nila sinunod ang kautusan ko.

12At mas higit pa kayong masama kaysa sa mga ninuno ninyo. Ang kasamaan at katigasan ng mga puso nʼyo ang sinunod ninyo, sa halip na ako ang sundin ninyo.

13Kaya palalayasin ko kayo sa lupaing ito patungo sa lupaing hindi nʼyo alam, ni ng mga ninuno ninyo. At doon, magpapakasawa kayo sa paglilingkod sa ibang diyos araw at gabi, at hindi ko na kayo kahahabagan.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.