Jeremias 16

Kaya palalayasin ko kayo sa lupaing ito patungo sa lupaing hindi nʼyo alam, ni ng mga ninuno ninyo. At doon, magpapakasawa kayo sa paglilingkod sa ibang diyos araw at gabi, at hindi ko na kayo kahahabagan.’

Jeremiah 16:13 (UKJV) Therefore will I cast you out of this land into a land that all of you know not, neither all of you nor your fathers; and there shall all of you serve other gods day and night; where I will not show you favour.

11Sabihin mo sa kanilang ito ang sagot ng Panginoon: ‘Ginawa ko ito dahil itinakwil ako ng mga ninuno nila. Naglingkod at sumamba sila sa mga diyos-diyosan. Itinakwil nila ako at hindi nila sinunod ang kautusan ko.

12At mas higit pa kayong masama kaysa sa mga ninuno ninyo. Ang kasamaan at katigasan ng mga puso nʼyo ang sinunod ninyo, sa halip na ako ang sundin ninyo.

13Kaya palalayasin ko kayo sa lupaing ito patungo sa lupaing hindi nʼyo alam, ni ng mga ninuno ninyo. At doon, magpapakasawa kayo sa paglilingkod sa ibang diyos araw at gabi, at hindi ko na kayo kahahabagan.’

14“Darating ang araw na hindi na susumpa ang mga tao ng ganito, ‘Sa pangalan ng buháy na Panginoon na nagpalaya sa mga taga-Israel sa Ehipto!’

15Sa halip, sasabihin nila, ‘Sa pangalan ng buháy na Panginoon na nagpalaya sa mga taga-Israel sa bansang nasa hilaga at sa lahat ng bansa kung saan niya sila pinangalat.’ Sapagkat ibabalik ko sila sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.