Jeremias 16

Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa mga batang ipinanganak dito sa lungsod at tungkol sa kanilang mga ina at ama.

Jeremiah 16:3 (UKJV) For thus says the LORD concerning the sons and concerning the daughters that are born in this place, and concerning their mothers that bare them, and concerning their fathers that brings forth them in this land;

1Sinabi pa sa akin ng Panginoon,

2“Huwag kang mag-aasawa o magkakaanak sa lupaing ito.

3Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa mga batang ipinanganak dito sa lungsod at tungkol sa kanilang mga ina at ama.

4Mamamatay sila dahil sa malubhang karamdaman. Walang magluluksa sa kanila o maglilibing ng mga bangkay nila. Kakalat ang mga bangkay nila sa lupain na parang mga dumi. May mga mamamatay sa digmaan at taggutom, at ang mga bangkay nilaʼy kakainin ng mga ibon at mababangis na hayop.”

5Sinabi pa ng Panginoon, “Huwag kang papasok sa mga bahay na may mga patay. Huwag kang makikidalamhati sa kanila o magpapakita ng pagkahabag sa kaninuman. Sapagkat inalis ko na ang pag-ibig at pagkahabag ko sa mga taong ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.