16O Panginoon, hindi po ako nagpabaya sa aking gawain bilang tagapagbantay ng inyong mga mamamayan. Hindi ko po hinangad na ipahamak ninyo sila. Alam po ninyo ang mga sinabi ko.
17Huwag nʼyo po akong takutin, dahil kayo ang kanlungan ko sa panahon ng kapahamakan.
18Takutin at hiyain po ninyo ang mga umuusig sa akin. Ngunit huwag ninyo itong gawin sa akin. Padalhan po ninyo sila ng kapahamakan upang malipol sila nang lubusan.
19Sinabi sa akin ng Panginoon, “Pumunta ka sa mga pintuan ng Jerusalem. Tumayo ka muna sa pintuan na dinadaanan ng mga hari ng Juda at pagkatapos, sa iba pang mga pintuan.
20At sabihin mo sa mga tao, ‘Pakinggan nʼyo ang mensahe ng Panginoon, kayong mga hari at mga taga-Juda, pati kayong mga nakatira sa Jerusalem na dumadaan sa mga pintuang ito.