Jeremias 17

“Ngunit mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa sa Panginoon.

Jeremiah 17:7 (UKJV) Blessed is the man that trusts in the LORD, and whose hope the LORD is.

5Sinabi pa ng Panginoon: “Isusumpa ko ang taong lumalayo sa akin at nagtitiwala lamang sa tao.

6Matutulad siya sa isang maliit na punongkahoy sa ilang na walang magandang kinabukasan. Maninirahan siya sa tigang at maalat na lupain na walang ibang naninirahan.

7“Ngunit mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa sa Panginoon.

8Matutulad siya sa punongkahoy na itinanim sa tabi ng ilog na ang mga ugat ay umaabot sa tubig. Ang punongkahoy na itoʼy hindi natatakot, dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang mga dahon nito at walang tigil ang pamumunga.

9“Ang puso ng tao ay mapanlinlang higit sa lahat, at hindi ito malulunasan. Sino ang nakakaunawa nito?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.