15Ngunit ang aking mga mamamayan ay nakalimot na sa akin. Nagsusunog sila ng insenso sa mga walang kuwentang diyos-diyosan. Iniwan nila ang tama at dating daan, at doon sila dumaan sa daang hindi mabuti kung saan silaʼy nadapa.
16Kaya magiging malungkot ang kanilang lupain at hahamakin magpakailanman. Ang lahat ng dumadaan ay mapapailing at mangingilabot.
17Ikakalat ko sila sa harap ng kanilang mga kaaway na parang alikabok na tinatangay ng hangin mula sa silangan. Tatalikuran ko sila at hindi ko sila tutulungan sa araw na lilipulin na sila.”
18Pagkatapos, sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng paraan upang mapatigil natin si Jeremias! May mga pari rin tayong magtuturo sa atin ng kautusan, at may mga pantas din tayong magpapayo sa atin, at mga propetang magpapahayag sa atin ng mensahe ng Diyos. Kaya gumawa tayo ng mga kuwento laban sa kanya at huwag na nating pakinggan ang mga sinasabi niya.”
19Kaya nanalangin ako: “O Panginoon, tulungan po ninyo ako! Pakinggan po ninyo ang paratang ng aking mga kaaway.