Jeremias 18

Mabuti po ang aking ginagawa sa kanila pero masama ang iginaganti nila sa akin. Humukay po sila upang akoʼy mahulog sa hukay na iyon, kahit na dumulog ako sa inyo at nanalangin na huwag nʼyo silang parusahan dahil sa galit nʼyo sa kanila.

Jeremiah 18:20 (UKJV) Shall evil be recompensed for good? for they have dug a pit for my soul. Remember that I stood before you to speak good for them, and to turn away your wrath from them.

18Pagkatapos, sinabi ng mga tao, “Halikayo, gumawa tayo ng paraan upang mapatigil natin si Jeremias! May mga pari rin tayong magtuturo sa atin ng kautusan, at may mga pantas din tayong magpapayo sa atin, at mga propetang magpapahayag sa atin ng mensahe ng Diyos. Kaya gumawa tayo ng mga kuwento laban sa kanya at huwag na nating pakinggan ang mga sinasabi niya.”

19Kaya nanalangin ako: “O Panginoon, tulungan po ninyo ako! Pakinggan po ninyo ang paratang ng aking mga kaaway.

20Mabuti po ang aking ginagawa sa kanila pero masama ang iginaganti nila sa akin. Humukay po sila upang akoʼy mahulog sa hukay na iyon, kahit na dumulog ako sa inyo at nanalangin na huwag nʼyo silang parusahan dahil sa galit nʼyo sa kanila.

21Ngunit ngayon, pabayaan po ninyong mamatay sa gutom at digmaan ang kanilang mga anak. Pabayaan ninyong mabiyuda ang mga babae at mawala ang kanilang mga anak. Pabayaan ninyo pong mamatay sa sakit ang mga lalaki sa kanila at ang mga kabataang lalaki sa digmaan.

22Hayaan ninyo silang mapasigaw sa takot kapag ipinasalakay ninyo sa mga kaaway ang kanilang mga bahay. Sapagkat naghanda po sila ng hukay upang akoʼy mahulog doon, at naglagay sila ng bitag upang akoʼy mahuli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.