21Ngunit ngayon, pabayaan po ninyong mamatay sa gutom at digmaan ang kanilang mga anak. Pabayaan ninyong mabiyuda ang mga babae at mawala ang kanilang mga anak. Pabayaan ninyo pong mamatay sa sakit ang mga lalaki sa kanila at ang mga kabataang lalaki sa digmaan.
22Hayaan ninyo silang mapasigaw sa takot kapag ipinasalakay ninyo sa mga kaaway ang kanilang mga bahay. Sapagkat naghanda po sila ng hukay upang akoʼy mahulog doon, at naglagay sila ng bitag upang akoʼy mahuli.
23Ngunit alam nʼyo po Panginoon ang lahat ng plano nilang pagpatay sa akin. Kaya huwag ninyo silang patawarin sa kanilang mga kasalanan at kasamaan. Hayaan ninyo silang matalo ng kanilang mga kaaway habang kayoʼy nakatingin. Iparanas ninyo sa kanila ang inyong galit.”