8Wawasakin ko ang lungsod na ito at hahamakin. Ang mga dumadaan ay mangingilabot at halos hindi makapaniwala dahil sa nangyari rito.
9Papalibutan ng mga kaaway ang lungsod na ito hanggang sa ang mga mamamayan dito ay maubusan ng pagkain. Kaya kakainin nila ang kapwa nila at pati na ang sarili nilang anak.’
10“Basagin mo ang banga sa harap ng mga taong sumáma sa iyo.
11Sabihin mo sa kanila na ako, ang Panginoon ng mga Hukbo ay nagsasabing wawasakin ko ang bansa ng Juda at ang lungsod ng Jerusalem katulad ng pagbasag ko sa bangang ito na hindi na muling mabubuo. Ililibing nila ang maraming bangkay sa Tofet hanggang sa wala nang mapaglibingan.
12Ito ang gagawin ko sa Jerusalem at sa mga mamamayan nito, sabi ng Panginoon. Ituturing kong marumi ang lungsod na ito gaya ng Tofet.