19Parurusahan ko kayo dahil sa kasamaan at pagtakwil nʼyo sa akin. Isipin nʼyo kung gaano kasama at kapait ang ginawa nʼyong pagtakwil at paglapastangan sa Panginoon na inyong Diyos,” wika ng Makapangyarihang Panginoon.
20“Noong inalipin kayo, para kayong nakapamatok, o mga aliping nakakadena. Ngunit nang mapalaya ko na kayo, ayaw naman ninyong maglingkod sa akin. Sa halip, sumamba kayo sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng mga malalagong punongkahoy. Katulad kayo ng babaeng bayaran.
21Para kayong isang piling klase ng ubas na aking itinanim, na mula sa pinakamainam puno. Ngunit bakit lumabas kayong bulok at walang kabuluhang ubas?
22Maligo man kayo at magsabon nang magsabon, makikita ko pa rin ang dumi ng mga kasalanan ninyo,” wika ng Makapangyarihang Panginoon.
23“Paano nʼyo nasasabing hindi kayo nadumihan at hindi kayo sumamba kay Baal? Tingnan nʼyo kung anong kasalanan ang ginawa nʼyo sa lambak ng Hinom. Isipin nʼyo ang ginawa nʼyong kasalanan. Para kayong babaeng kamelyo na hindi mapalagay dahil naghahanap ng lalaki.