Jeremias 2

“Noong inalipin kayo, para kayong nakapamatok, o mga aliping nakakadena. Ngunit nang mapalaya ko na kayo, ayaw naman ninyong maglingkod sa akin. Sa halip, sumamba kayo sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng mga malalagong punongkahoy. Katulad kayo ng babaeng bayaran.

Jeremiah 2:20 (UKJV) For of old time I have broken your yoke, and burst your bands; and you said, I will not transgress; when upon every high hill and under every green tree you wander, playing the harlot.

18Ngayon, ano ang napala ninyo sa inyong paglapit sa Ehipto at Asiria? Bakit kayo pumupunta sa Ilog ng Nilo at umiinom ng tubig mula sa Ilog ng Eufrates?

19Parurusahan ko kayo dahil sa kasamaan at pagtakwil nʼyo sa akin. Isipin nʼyo kung gaano kasama at kapait ang ginawa nʼyong pagtakwil at paglapastangan sa Panginoon na inyong Diyos,” wika ng Makapangyarihang Panginoon.

20“Noong inalipin kayo, para kayong nakapamatok, o mga aliping nakakadena. Ngunit nang mapalaya ko na kayo, ayaw naman ninyong maglingkod sa akin. Sa halip, sumamba kayo sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng mga malalagong punongkahoy. Katulad kayo ng babaeng bayaran.

21Para kayong isang piling klase ng ubas na aking itinanim, na mula sa pinakamainam puno. Ngunit bakit lumabas kayong bulok at walang kabuluhang ubas?

22Maligo man kayo at magsabon nang magsabon, makikita ko pa rin ang dumi ng mga kasalanan ninyo,” wika ng Makapangyarihang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.