Jeremias 2

Ngayon, ano ang napala ninyo sa inyong paglapit sa Ehipto at Asiria? Bakit kayo pumupunta sa Ilog ng Nilo at umiinom ng tubig mula sa Ilog ng Eufrates?

Jeremiah 2:18 (UKJV) And now what have you to do in the way of Egypt, to drink the waters of Sihor? or what have you to do in the way of Assyria, to drink the waters of the river?

16Ang mga taga-Memfis at mga taga-Tapanhes ang nagwasak sa kanya.

17Kayong na ring mga Israelita ang nagdala ng kapahamakang ito sa inyong mga sarili. Sapagkat itinakwil ninyo ako, ang Panginoon na inyong Diyos, akong pumatnubay sa paglalakbay ninyo.

18Ngayon, ano ang napala ninyo sa inyong paglapit sa Ehipto at Asiria? Bakit kayo pumupunta sa Ilog ng Nilo at umiinom ng tubig mula sa Ilog ng Eufrates?

19Parurusahan ko kayo dahil sa kasamaan at pagtakwil nʼyo sa akin. Isipin nʼyo kung gaano kasama at kapait ang ginawa nʼyong pagtakwil at paglapastangan sa Panginoon na inyong Diyos,” wika ng Makapangyarihang Panginoon.

20“Noong inalipin kayo, para kayong nakapamatok, o mga aliping nakakadena. Ngunit nang mapalaya ko na kayo, ayaw naman ninyong maglingkod sa akin. Sa halip, sumamba kayo sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng mga malalagong punongkahoy. Katulad kayo ng babaeng bayaran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.