14Ang Israel ay hindi ipinanganak na alipin. Bakit binibiktima siya ng mga kaaway?
15Ang mga kaaway niya ay parang mga leon na umuungal sa kanya. Sinira nila ang kanyang lupain, sinunog ang mga bayan at pinabayaang nakatiwangwang.
16Ang mga taga-Memfis at mga taga-Tapanhes ang nagwasak sa kanya.
17Kayong na ring mga Israelita ang nagdala ng kapahamakang ito sa inyong mga sarili. Sapagkat itinakwil ninyo ako, ang Panginoon na inyong Diyos, akong pumatnubay sa paglalakbay ninyo.
18Ngayon, ano ang napala ninyo sa inyong paglapit sa Ehipto at Asiria? Bakit kayo pumupunta sa Ilog ng Nilo at umiinom ng tubig mula sa Ilog ng Eufrates?