Jeremias 2

Ang Israel ay hindi ipinanganak na alipin. Bakit binibiktima siya ng mga kaaway?

Jeremiah 2:14 (UKJV) Is Israel a servant? is he a native slave? why is he spoiled?

12Nangilabot ang buong kalawakan sa ginawa nila; at nayanig ito sa matinding pagkasindak,” wika ng Panginoon.

13“Gumawa ang mga mamamayan ko ng dalawang kasalanan: Itinakwil nila ako, ang bukal na nagbibigay-buhay, at sumamba sila sa ibang mga diyos, na para bang naghukay sila ng mga balon, mga wasak na tipunan na hindi nakakaipon ng tubig.

14Ang Israel ay hindi ipinanganak na alipin. Bakit binibiktima siya ng mga kaaway?

15Ang mga kaaway niya ay parang mga leon na umuungal sa kanya. Sinira nila ang kanyang lupain, sinunog ang mga bayan at pinabayaang nakatiwangwang.

16Ang mga taga-Memfis at mga taga-Tapanhes ang nagwasak sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.