13“Gumawa ang mga mamamayan ko ng dalawang kasalanan: Itinakwil nila ako, ang bukal na nagbibigay-buhay, at sumamba sila sa ibang mga diyos, na para bang naghukay sila ng mga balon, mga wasak na tipunan na hindi nakakaipon ng tubig.
14Ang Israel ay hindi ipinanganak na alipin. Bakit binibiktima siya ng mga kaaway?
15Ang mga kaaway niya ay parang mga leon na umuungal sa kanya. Sinira nila ang kanyang lupain, sinunog ang mga bayan at pinabayaang nakatiwangwang.
16Ang mga taga-Memfis at mga taga-Tapanhes ang nagwasak sa kanya.
17Kayong na ring mga Israelita ang nagdala ng kapahamakang ito sa inyong mga sarili. Sapagkat itinakwil ninyo ako, ang Panginoon na inyong Diyos, akong pumatnubay sa paglalakbay ninyo.