Jeremias 2

“Gumawa ang mga mamamayan ko ng dalawang kasalanan: Itinakwil nila ako, ang bukal na nagbibigay-buhay, at sumamba sila sa ibang mga diyos, na para bang naghukay sila ng mga balon, mga wasak na tipunan na hindi nakakaipon ng tubig.

Jeremiah 2:13 (UKJV) For my people have committed two evils; they have forsaken me the fountain of living waters, and hewed them out cisterns, broken cisterns, that can hold no water.

11May bansa bang nagpalit ng kanilang diyos, kahit na hindi ito mga tunay na diyos? Ngunit ako, ang dakilang Diyos, ay ipinagpalit ng aking mga mamamayan sa mga diyos na walang kabuluhan.

12Nangilabot ang buong kalawakan sa ginawa nila; at nayanig ito sa matinding pagkasindak,” wika ng Panginoon.

13“Gumawa ang mga mamamayan ko ng dalawang kasalanan: Itinakwil nila ako, ang bukal na nagbibigay-buhay, at sumamba sila sa ibang mga diyos, na para bang naghukay sila ng mga balon, mga wasak na tipunan na hindi nakakaipon ng tubig.

14Ang Israel ay hindi ipinanganak na alipin. Bakit binibiktima siya ng mga kaaway?

15Ang mga kaaway niya ay parang mga leon na umuungal sa kanya. Sinira nila ang kanyang lupain, sinunog ang mga bayan at pinabayaang nakatiwangwang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.