Jeremias 2

Nangilabot ang buong kalawakan sa ginawa nila; at nayanig ito sa matinding pagkasindak,” wika ng Panginoon.

Jeremiah 2:12 (UKJV) Be astonished, O all of you heavens, at this, and be horribly afraid, be all of you very desolate, says the LORD.

10“Tumawid kayo sa kanluran, sa mga isla ng Kitim, at magsugo kayo ng magmamasid nang mabuti sa silangan, sa lupain ng Kedar, at tingnan kung may nangyaring katulad nito:

11May bansa bang nagpalit ng kanilang diyos, kahit na hindi ito mga tunay na diyos? Ngunit ako, ang dakilang Diyos, ay ipinagpalit ng aking mga mamamayan sa mga diyos na walang kabuluhan.

12Nangilabot ang buong kalawakan sa ginawa nila; at nayanig ito sa matinding pagkasindak,” wika ng Panginoon.

13“Gumawa ang mga mamamayan ko ng dalawang kasalanan: Itinakwil nila ako, ang bukal na nagbibigay-buhay, at sumamba sila sa ibang mga diyos, na para bang naghukay sila ng mga balon, mga wasak na tipunan na hindi nakakaipon ng tubig.

14Ang Israel ay hindi ipinanganak na alipin. Bakit binibiktima siya ng mga kaaway?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.