Jeremias 2

“Tumawid kayo sa kanluran, sa mga isla ng Kitim, at magsugo kayo ng magmamasid nang mabuti sa silangan, sa lupain ng Kedar, at tingnan kung may nangyaring katulad nito:

Jeremiah 2:10 (UKJV) For pass over the isles of Chittim, and see; and send unto Kedar, and consider diligently, and see if there be such a thing.

8Kahit ang mga pari ay hindi nagtanong, ‘Nasaan ang Panginoon?’ Ang mga nagtuturo ng kautusan ay hindi ako kilala. Ang mga pinuno ay naghimagsik laban sa akin. At ang mga propetaʼy nagpropesiya sa pangalan ni Baal at sinayang nila ang kanilang panahon sa mga walang kuwentang diyos-diyosan.

9“Kaya susumbatan ko silang muli, pati ang magiging anak ng inyong mga anak,” sabi ng Panginoon.

10“Tumawid kayo sa kanluran, sa mga isla ng Kitim, at magsugo kayo ng magmamasid nang mabuti sa silangan, sa lupain ng Kedar, at tingnan kung may nangyaring katulad nito:

11May bansa bang nagpalit ng kanilang diyos, kahit na hindi ito mga tunay na diyos? Ngunit ako, ang dakilang Diyos, ay ipinagpalit ng aking mga mamamayan sa mga diyos na walang kabuluhan.

12Nangilabot ang buong kalawakan sa ginawa nila; at nayanig ito sa matinding pagkasindak,” wika ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.