Jeremias 2

Kahit ang mga pari ay hindi nagtanong, ‘Nasaan ang Panginoon?’ Ang mga nagtuturo ng kautusan ay hindi ako kilala. Ang mga pinuno ay naghimagsik laban sa akin. At ang mga propetaʼy nagpropesiya sa pangalan ni Baal at sinayang nila ang kanilang panahon sa mga walang kuwentang diyos-diyosan.

Jeremiah 2:8 (UKJV) The priests said not, Where is the LORD? and they that handle the law knew me not: the pastors also transgressed against me, and the prophets prophesied by Baal, and walked after things that do not profit.

6Hindi sila nagtanong, ‘Nasaan ang Panginoon, na naglabas sa amin mula sa Ehipto at nanguna sa amin sa ilang na walang tanim, ang lupang tuyo, may mga hukay, mapanganib at walang taong tumitira o dumadaan?’

7Mula rooʼy dinala ko sila sa masaganang lupain upang makinabang sa mayamang ani nito. Ngunit nang naroon na kayo, dinungisan nʼyo ang lupain ko at ginawa itong kasuklam-suklam.

8Kahit ang mga pari ay hindi nagtanong, ‘Nasaan ang Panginoon?’ Ang mga nagtuturo ng kautusan ay hindi ako kilala. Ang mga pinuno ay naghimagsik laban sa akin. At ang mga propetaʼy nagpropesiya sa pangalan ni Baal at sinayang nila ang kanilang panahon sa mga walang kuwentang diyos-diyosan.

9“Kaya susumbatan ko silang muli, pati ang magiging anak ng inyong mga anak,” sabi ng Panginoon.

10“Tumawid kayo sa kanluran, sa mga isla ng Kitim, at magsugo kayo ng magmamasid nang mabuti sa silangan, sa lupain ng Kedar, at tingnan kung may nangyaring katulad nito:

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.