Jeremias 2

Mula rooʼy dinala ko sila sa masaganang lupain upang makinabang sa mayamang ani nito. Ngunit nang naroon na kayo, dinungisan nʼyo ang lupain ko at ginawa itong kasuklam-suklam.

Jeremiah 2:7 (UKJV) And I brought you into a plentiful country, to eat the fruit thereof and the goodness thereof; but when all of you entered, all of you defiled my land, and made mine heritage an abomination.

5Ito ang sinabi ng Panginoon: “Anong kasalanan ang nakita ng mga ninuno ninyo sa akin na nagtulak sa kanila para lumayo? Sumusunod sila sa mga walang kuwentang diyos-diyosan, kaya sila rin ay nawalan ng kabuluhan.

6Hindi sila nagtanong, ‘Nasaan ang Panginoon, na naglabas sa amin mula sa Ehipto at nanguna sa amin sa ilang na walang tanim, ang lupang tuyo, may mga hukay, mapanganib at walang taong tumitira o dumadaan?’

7Mula rooʼy dinala ko sila sa masaganang lupain upang makinabang sa mayamang ani nito. Ngunit nang naroon na kayo, dinungisan nʼyo ang lupain ko at ginawa itong kasuklam-suklam.

8Kahit ang mga pari ay hindi nagtanong, ‘Nasaan ang Panginoon?’ Ang mga nagtuturo ng kautusan ay hindi ako kilala. Ang mga pinuno ay naghimagsik laban sa akin. At ang mga propetaʼy nagpropesiya sa pangalan ni Baal at sinayang nila ang kanilang panahon sa mga walang kuwentang diyos-diyosan.

9“Kaya susumbatan ko silang muli, pati ang magiging anak ng inyong mga anak,” sabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.