21Para kayong isang piling klase ng ubas na aking itinanim, na mula sa pinakamainam puno. Ngunit bakit lumabas kayong bulok at walang kabuluhang ubas?
22Maligo man kayo at magsabon nang magsabon, makikita ko pa rin ang dumi ng mga kasalanan ninyo,” wika ng Makapangyarihang Panginoon.
23“Paano nʼyo nasasabing hindi kayo nadumihan at hindi kayo sumamba kay Baal? Tingnan nʼyo kung anong kasalanan ang ginawa nʼyo sa lambak ng Hinom. Isipin nʼyo ang ginawa nʼyong kasalanan. Para kayong babaeng kamelyo na hindi mapalagay dahil naghahanap ng lalaki.
24Para rin kayong babaeng asnong-gubat na masidhi ang pagnanasa na magpakasta, sa tindi ng kanyang pagnanasa ay walang makakapigil sa kanya. Ang lalaking asno ay hindi na mahihirapang maghanap sa kanya. Madali siyang hanapin sa panahon ng pagpapakasta.
25Mga taga-Israel, napudpod na ang inyong mga sandalyas at natuyo na ang inyong mga lalamunan sa pagsunod sa ibang mga diyos. Ngunit sinasabi nʼyo, ‘Hindi namin maaaring itakwil ang ibang mga diyos. Mahal namin sila at susunod kami sa kanila.’