25Mga taga-Israel, napudpod na ang inyong mga sandalyas at natuyo na ang inyong mga lalamunan sa pagsunod sa ibang mga diyos. Ngunit sinasabi nʼyo, ‘Hindi namin maaaring itakwil ang ibang mga diyos. Mahal namin sila at susunod kami sa kanila.’
26“Tulad ng isang magnanakaw na napapahiya kapag nahuli, mapapahiya rin kayong mga taga-Israel. Talagang mapapahiya kayo, pati ang inyong mga hari, pinuno, pari, at mga propeta ninyo.
27Sinasabi ninyo sa imaheng kahoy, ‘Ikaw ang aking ama,’ at ang sa inukit na bato, ‘Ikaw ang aking ina.’ Itinakwil ninyo ako, pero kapag naghihirap kayo, humihingi kayo ng tulong sa akin.
28Bakit? Nasaan na ang mga diyos na ginawa ninyo para sa inyong sarili? Tawagin ninyo sila kung kaya nila kayong iligtas sa paghihirap ninyo. Sapagkat napakarami ninyong diyos, kasindami ng mga bayan sa Juda.
29“Bakit kayo nagrereklamo sa akin? Hindi baʼt kayo ang naghimagsik sa akin?” wika ng Panginoon.