26“Tulad ng isang magnanakaw na napapahiya kapag nahuli, mapapahiya rin kayong mga taga-Israel. Talagang mapapahiya kayo, pati ang inyong mga hari, pinuno, pari, at mga propeta ninyo.
27Sinasabi ninyo sa imaheng kahoy, ‘Ikaw ang aking ama,’ at ang sa inukit na bato, ‘Ikaw ang aking ina.’ Itinakwil ninyo ako, pero kapag naghihirap kayo, humihingi kayo ng tulong sa akin.
28Bakit? Nasaan na ang mga diyos na ginawa ninyo para sa inyong sarili? Tawagin ninyo sila kung kaya nila kayong iligtas sa paghihirap ninyo. Sapagkat napakarami ninyong diyos, kasindami ng mga bayan sa Juda.
29“Bakit kayo nagrereklamo sa akin? Hindi baʼt kayo ang naghimagsik sa akin?” wika ng Panginoon.
30“Pinarusahan ko ang inyong mga anak, pero hindi sila nagbago. Ayaw nilang magpaturo. Kayo na rin ang pumatay sa inyong mga propeta gaya ng pagpatay ng mabangis at gutom na leon sa kanyang biktima.