28Bakit? Nasaan na ang mga diyos na ginawa ninyo para sa inyong sarili? Tawagin ninyo sila kung kaya nila kayong iligtas sa paghihirap ninyo. Sapagkat napakarami ninyong diyos, kasindami ng mga bayan sa Juda.
29“Bakit kayo nagrereklamo sa akin? Hindi baʼt kayo ang naghimagsik sa akin?” wika ng Panginoon.
30“Pinarusahan ko ang inyong mga anak, pero hindi sila nagbago. Ayaw nilang magpaturo. Kayo na rin ang pumatay sa inyong mga propeta gaya ng pagpatay ng mabangis at gutom na leon sa kanyang biktima.
31“Kayong mga mamamayan ng henerasyong ito, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon: Ako baʼy parang isang ilang para sa inyong mga taga-Israel, o kayaʼy parang isang lugar na napakadilim? Bakit ninyo sinasabing, ‘Bahala na kami sa gusto naming gawin. Ayaw na naming lumapit sa Diyos.’
32Makakalimutan ba ng isang dalaga ang kanyang mga alahas o ang damit niyang pangkasal? Ngunit kayong mga hinirang ko, matagal na ninyo akong kinalimutan.