Jeremias 2

“Kayong mga mamamayan ng henerasyong ito, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon: Ako baʼy parang isang ilang para sa inyong mga taga-Israel, o kayaʼy parang isang lugar na napakadilim? Bakit ninyo sinasabing, ‘Bahala na kami sa gusto naming gawin. Ayaw na naming lumapit sa Diyos.’

Jeremiah 2:31 (UKJV) O generation, see all of you the word of the LORD. Have I been a wilderness unto Israel? a land of darkness? wherefore say my people, We are lords; we will come no more unto you?

29“Bakit kayo nagrereklamo sa akin? Hindi baʼt kayo ang naghimagsik sa akin?” wika ng Panginoon.

30“Pinarusahan ko ang inyong mga anak, pero hindi sila nagbago. Ayaw nilang magpaturo. Kayo na rin ang pumatay sa inyong mga propeta gaya ng pagpatay ng mabangis at gutom na leon sa kanyang biktima.

31“Kayong mga mamamayan ng henerasyong ito, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon: Ako baʼy parang isang ilang para sa inyong mga taga-Israel, o kayaʼy parang isang lugar na napakadilim? Bakit ninyo sinasabing, ‘Bahala na kami sa gusto naming gawin. Ayaw na naming lumapit sa Diyos.’

32Makakalimutan ba ng isang dalaga ang kanyang mga alahas o ang damit niyang pangkasal? Ngunit kayong mga hinirang ko, matagal na ninyo akong kinalimutan.

33Magaling kayong humabol sa minamahal ninyong mga diyos-diyosan. Kahit ang mga babaeng bayaran ay matututo pa sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.