Jeremias 2

Magaling kayong humabol sa minamahal ninyong mga diyos-diyosan. Kahit ang mga babaeng bayaran ay matututo pa sa inyo.

Jeremiah 2:33 (UKJV) Why trim you your way to seek love? therefore have you also taught the wicked ones your ways.

31“Kayong mga mamamayan ng henerasyong ito, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon: Ako baʼy parang isang ilang para sa inyong mga taga-Israel, o kayaʼy parang isang lugar na napakadilim? Bakit ninyo sinasabing, ‘Bahala na kami sa gusto naming gawin. Ayaw na naming lumapit sa Diyos.’

32Makakalimutan ba ng isang dalaga ang kanyang mga alahas o ang damit niyang pangkasal? Ngunit kayong mga hinirang ko, matagal na ninyo akong kinalimutan.

33Magaling kayong humabol sa minamahal ninyong mga diyos-diyosan. Kahit ang mga babaeng bayaran ay matututo pa sa inyo.

34Ang inyong mga damit ay may mga bahid ng dugo ng mga taong walang kasalanan at mga dukha, kahit na hindi ninyo sila nahuling nagnakaw sa inyong mga bahay. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,

35sinabi nʼyo pa rin, ‘Wala akong kasalanan. Hindi galit sa akin ang Panginoon!’ Ngunit talagang parurusahan ko kayo dahil sinabi ninyo, ‘Hindi ako nagkasala.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.