Jeremias 2

sinabi nʼyo pa rin, ‘Wala akong kasalanan. Hindi galit sa akin ang Panginoon!’ Ngunit talagang parurusahan ko kayo dahil sinabi ninyo, ‘Hindi ako nagkasala.’

Jeremiah 2:35 (UKJV) Yet you says, Because I am innocent, surely his anger shall turn from me. Behold, I will plead with you, because you says, I have not sinned.

33Magaling kayong humabol sa minamahal ninyong mga diyos-diyosan. Kahit ang mga babaeng bayaran ay matututo pa sa inyo.

34Ang inyong mga damit ay may mga bahid ng dugo ng mga taong walang kasalanan at mga dukha, kahit na hindi ninyo sila nahuling nagnakaw sa inyong mga bahay. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,

35sinabi nʼyo pa rin, ‘Wala akong kasalanan. Hindi galit sa akin ang Panginoon!’ Ngunit talagang parurusahan ko kayo dahil sinabi ninyo, ‘Hindi ako nagkasala.’

36Pangkaraniwan lang sa inyo ang magpapalit-palit ng mga bansang kakampihan. Ngunit ipapahiya kayo ng Ehipto na inyong kakampi, gaya ng ginawa sa inyo ng Asiria.

37Aalis kayo sa Ehipto na nakatakip ang inyong kamay sa mukha dahil sa kahihiyan at pagdadalamhati. Sapagkat itinakwil na ng Panginoon ang mga bansang pinagkatiwalaan ninyo. Hindi na kayo matutulungan ng mga bansang iyon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.